ni Leonel M. Abasola

Posibleng mapatalsik si Senador Sonny Angara bilang chairman ng Senate Committee on Ways and Means dahil sa hindi nito pagpayag sa tax reform ng Palasyo, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Sinabi ni Drilon na pabor siya na gawing committee of the whole ang pagdinig sa tax reform, pero ibang usapan na kung tatanggalin si Angara.

“Papayag ako sa committee of the whole, huwag lang alisin ito sa komite ni Sen. Angara dahil matagal nang napag-aralan ito ni Sen. Angara,” anang Drilon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Iginiit ni Drilon na kung maayos ang tax collections, hindi kakapusin ang pondo ng pamahalaan at walang dahilan para magtaas ng buwis.