NI: Mary Ann Santiago

Humingi ng paumanhin si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa publiko sa maling “gimik” na pagkakalat ng basura para kanyang linisin bilang bahagi ng Manila Bay clean-up drive ng Maynila “for publicity”.

Inako ring lahat ng alkalde ang responsibilidad sa nangyari, na kamakailan ay umani ng batikos mula sa publiko.

Kasabay nito, iginiit ni Estrada na seryoso ang layunin niyang linisin ang nagkalat na basura sa Manila Bay.

Tsika at Intriga

GAT members, nag-sorry na rin sa lumutang na leaked video kasama ang BINI

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Estrada na “for publicity” ang pagkakalat ng basura ng kanyang mga tauhan para sa isang photo opportunity.