NI: Mary Ann Santiago

Nilinaw kahapon ng Department of Transportation (DOTr) na maaari namang magpaiwan sa Metro Manila ang mga empleyado nito na ayaw madestino sa Clark, Pampanga, kung saan inilipat ang punong tanggapan ng kagawaran.

Ang pahayag ni DOTr Spokesperson at Assistant Secretary Leah Quiambao for Legal Affairs ay dahil sa patuloy na pagtutol ng ilang empleyado ng kagawaran sa paglipat ng kanilang tanggapan sa Clark, dahil hindi umano sila nakonsulta tungkol sa naturang hakbang.

Sinabi naman ni Quiambao na ang mga ayaw madestino sa Clark ay maaaring ilipat sa mga sectoral at attached agency ng DOTr sa Metro Manila, tulad ng Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Maritime Industry Authority, at Philippine Coast Guard nang hindi made-demote o babawasan ang suweldo at benepisyo.

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'