Ni: Rommel P. Tabbad

Nagsimula nang ipatupad ni Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel “Manny” Piñol ang balasahan sa kagawaran matapos niyang sibakin sa puwesto ang isa niyang opisyal at siyam na iba pa dahil sa hindi matigil na smuggling ng bawang at sibuyas sa bansa.

Kabilang sa mga sinibak ni Piñol dahil sa smuggling si Bureau of Plant Industry (BPI) Director Vivencio Mamaril, gayundin ang siyam na opisyal ng National Plant Quarantine Service (NPQS).

Ang siyam na opisyal ng NPQS ay sina Ariel Bayot, chief; Joselito Antioquia, division chief; Jesusa Ascutia, NICP head; Joseph Banasihan, inspector; Rizalina Cahiles, Cebu port quarantine head; Mina Lanto, supervising chief; Andrelina Araños, support staff; Leo Pangilinan; at Jonah Manalo, kapwa ng registration section.

National

4.7-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ayon sa kalihim, magiging epektibo ang relieve order sa Agosto 1, 2017.

“This is the outcome of the recent controversy involving inaccurate listing of importers and the suspicions of connivance between some NPQS officials and importers. They cannot succeed in smuggling,” paliwanag ni Piñol.