TARGET ni Pinoy challenger Ryan Rey Ponteras na maagaw ang korona sa liyamadong si South Africa’s Gideon Buthelezi sa IBO junior-bantamweight belt Sabado ng gabi sa International Convention Centre sa East London.

Ang 31-anyos na si Buthelezi (19-5; 4), ang isa sa pinakamahuhusay na boxer na nagmula sa South Africa. Tangan niya ang pitong titulo mula nang mag-debut noong July 2006, kabilang ang IBO strawweight, IBO flyweight belts, IBO junior-bantamweight at IBO light-flyweight.

Ito ang ikatlong pagdepensa ni Buthelezi sa IBO junior-bantamweight belt na nakuha niya noong 2015 via puntos kontra Makzole Tete.

Kabilang sa mga natalo niya sa pagdepensa ng korona sina Diego Luis Pichardo Liriano noong April 2016, at Angel Aviles nitong Marso.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tangan ni Ponteras, 27, ang 20-11-1 karta at kasalukuyang rated No. 29 sa IBO flyweight rankings.