Ni Brian Yalung

APAT na sumisikat na figure skaters sa bansa ang sasabak sa 2017 Asian Open Figure Skating Trophy (AOFST2017) tournament na gaganapin sa Agosto 2-5 sa Hong Kong.

chua copy

Napili ang apat ng Philippine Skating Union para pagbidahan ang Pilipinas sa torneo na itinataguyod ng International Skating Union (ISU) at Asian Skating Union (ASU).

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Magpapakitang-gilas sa international community sina figure skaters Charmaine Skye C. Chua (Advanced Novice Girls), Skye Frances B. Patenia (Basic Novice Subgroup B Girls) at Kate Orock at Veronica Claire Eid sa Basic Novice Subgroup A Girls.

Makakaharap ng Filipina skaters ang matitikas na karibal mula sa Australia, China, Japan, Kazakhstan, New Zealand at South Korea.

Itinuturing na isa sa pinakamahigpitang labanan sa international ang Asian Figure Skating Trophy. Target nina Chua, Patenia, Orock at Eid na mapantayan ang podium finish ni Michael Martinez.

Nalagay sa mapa ng figure skating ang bansa nang magwagi si Martinez ng gold medal sa 2015 Senior Men’s group sa Bangkok, Thailand.