NI: Mary Ann Santiago

Naglunsad ng ‘toy campaign’ ang Caritas Philippines, ang social action arm ng Simbahang Katoliko, upang maibalik ang ngiti sa mga batang bakwit mula sa Marawi City.

Tinatawag na “Share the joy, give a toy”, layunin nitong mapaligaya ang mga bata na hindi pa nakakabangon sa trauma ng digmaan sa kanilang lugar.

Target ng Caritas Philippines na makapagbigay ng bago o pinaglumaang laruan at educational materials sa 3,000 batang bakwit.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Hinikayat ni Caritas Philippines Executive Secretary Father Edwin Gariguez na samahan ng card na may inspiring message ang mga ibibigay na laruan.

“The trauma brought by the armed conflict were evident in the faces of the civilians, especially to the children, who were robbed of a peaceful and memorable childhood. Through this campaign, we hope to help ease the trauma,” ani Gariguez.

Maaaring ipadala ang mga donasyon sa opisina ng Caritas Philippines sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Intramuros, Manila, hanggang sa Agosto 11, 2017.