CORSICA (AFP) – Daan-daang bombero ang umaapula sa mga sunog sa katimugan ng France nitong Lunes, at isa ang mabilis na kumakalat sa 900 ektarya ng kagubatan at nagbabanta sa mga bahay sa isla ng Corsica, sinabi ng emergency services kahapon.
Inilikas na ang mga residente sa bayan ng Biguglia, sa hilagang silangan ng isla.
“The fire is very fierce and heading to urban areas of Biguglia,” sinabi ni lieutenant-colonel Michel Bernier, ng France civil defence forces. Nilamon ng apoy ang isang sawmill at sinuno ang 10 sasakyan. Tinatayang 160 katao ang lumalaban sa apoy sa tulong ng mahigit isandosenang fire engines.
Naapula na ang isa pang sunog, sa katimugan ng isla, na sumira sa 110 ektarya sa bayan ng Aleria, nitong Lunes,
Sa iba pang lugar sa France, patuloy na nasusunog ang kagubatan ng Luberon sa Vaucluse region, na may lawak na 800 ektarya. May 100 kabahayan sa pamayanan ng Mirabeau at katabing hamlet ang kinailangang ilikas, ayon sa mga opisyal.
Parating na ang 500 bombero.
Sa katabing Var region, nilalamon ng apoy ang mahigit 200 ektarya sa Gigaro, malapit sa Mediterranean resort ng Saint-Tropez. May sunog rin sa Carros, sa hilaga ng Nice, natupok ang isang bahay, tatlong sasakyan, at isang bodega. Mahigit 270