LAHORE (AP) – Umatake ang isang suicide bomber malapit sa isang police team sa silangang lungsod ng Lahore, Pakistan nitong Lunes na ikinamatay ng 26 katao at ikinasugat ng 54 na iba pa, karamihan ay mga pulis. Inako ng isang grupo na tumiwalag na Taliban ang pag-atake.

Sinabi ni senior police officer Haider Ashraf na tinarget ng nakamotorsiklong suicide bomber ang mga pulis na nagbabantay sa isang demolition site sa Kot Lakhpat’s vegetable market sa Lahore.

Inako ng militanteng grupong Tehrik-e-Taliban ang pag-atake, at kinumpirmang gumamit sila ng nakamotorsiklong suicide bomber.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na