Ni NITZ MIRALLES

OUT of the box na talaga si Kris Aquino! Paano, inilublob sa swimming pool ang gown na suot sa wedding nina Congressman Alfred at Yasmine Vargas. Gawa ni Michael Lleyva ang naturang damit na ang sabi ni Kris ay back-up gown niya sa shooting niya sa Singapore.

KRIS AT NICKO copy

Perfect champagne ang color ng gown na pasok sa motif ng mga ninang sa kasal, kaya hindi pa rin nasayang. Ibig sabihin, hindi niya nagamit sa shooting ng Hollywood movie na hindi pa rin siya allowed na banggitin.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Gowns na gawa ni Michael Cinco at ibang design ni Lleyva siguro ang isinuot ni Kris sa shooting.

Anyway, walang ipinost si Kris na picture na kuha sa reception ng wedding, hindi na siguro siya dumiretso at hanggang sa simbahan lang siya. Ang nakita naming picture, nasa tabi sila ng kanilang pool ng managing director niya na birthday noong July 23 – araw din ng nasabing kasal.

“Birthday boy @nix722 wanted a pic-my gown got a bit wet, so we decided, may as well make it a mini photo shoot with a cute lifeguard ready to rescue me,” caption ni Kris sa picture na nakalublob siya sa pool.

Kabilang sa nag-comment sa kakaibang picture ni Kris ay si Kevin Kwan at sabi nito, “LOVE THIS!!!.” Si Kevin Kwan ang author ng Crazy Rich Asians na ang movie adaptation, kasama sa cast si Kris.