Heart Evangelista, Kim Jung-wook & Iya Villania copy copy

Ni NITZ MIRALLES

IPAKIKILALA na pala sa 24 Oras ang Korean actor na katambal ni Heart Evangelista sa My Korean Jagiya.

Last Sunday, may post ang GMA-7 na picture ni Heart at ng isang Korean actor na nakatalikod na ang caption ay, “Geuneun nugu-inga? Who is he? Ang ating Korean jagiya (darling), makikilala na! Abangan sa 24 Oras.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang Korean singer-actor na si Alexander Lee Eusebio ang unang napabalitang katambal ni Heart sa My Korean Jagiya, pero ang Korean actor na nasa Pilipinas ay si Kim Jong-wook.

Nag-post kasi ng pictures ng hotel room si Kim Jung-wook, sa Korean ang caption, pero naintindihan ng ilang Pinoy na fans ng Korean actors/singers at Korean drama basta, basta, anything Korean. Winelcome nila sa Manila ang Korean actor, at mag-enjoy daw sa stay nito sa bansa.

Kung tama ang ibinalita ni Heart sa Instagram na sa August 21 na ang pilot airing ng My Korean Jagiya, ibig sabhin ay magsisimula na ang promo ng series kaya nandito si Kim Jung-wook.

Samantala, may malinaw ng picture si Kim Jung-wook kasama sina Heart at Iya Villania na kasama rin sa cast na nag-taping sa Korea. Si Iya ang best friend ni Heart sa My Korean Jagiya.