Ni: Bella Gamotea at Jun Fabon

Kakasuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang konduktor na lumabag sa “closed door policy” ng ahenisya nang tangkaing suhulan ang mga traffic enforcer sa Quezon City.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, nakatakda nilang kasuhan si Ruel Mateo, nasa hustong gulang, konduktor ng Draven Bus.

Ito ay bahagi ng kampanya ni Lim kontra katiwalian at tuluyang malinis ang ahensiya sa anumang uri ng kurapsiyon.

Metro

Live-in partners sa Maynila, hinikayat na lumahok sa libreng kasalan sa Hunyo

Dahil sa paglabag sa nasabing polisiya, hinuli ng mga traffic enforcer ang bus sa Cubao, Quezon City at dito tinangkang suhulan ni Mateo ng P100 ang enforcer dahilan upang siya ay arestuhin at dalhin sa Police Community Precinct (PCP) 7 sa Quezon City Police District (QCPD).