ni Mary Ann Santiago

Target ng pamahalaan na masimulan ang rekonstruksyon ng Bicol Express ng Philippine National Railways (PNR) sa susunod na taon.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang reengineering ng railway na nagdudugtong sa Maynila at Bicol region ay kabilang sa 50 pangunahing economic projects ni Pangulong Rodrigo Duterte na target nilang makumpleto bago matapos ang termino nito sa 2021.

Nilinaw ni DOTr Assistant Secretary Cesar Chavez na rekonstruksyon at hindi rehabilitasyon ang gagawin sa Bicol Express.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Naglaan na ang pamahalaan ng P150 bilyong pondo para sa naturang proyekto, at P54 bilyon dito ay gagamitin sa pagbili ng mga lupain na dadaaan ng riles.

Inaasahang maseserbisyuhan ng Bicol Express ang 11,000 pasahero araw-araw at mapapaikli sa limang oras na lamang ang biyahe mula Maynila hanggang Matnog, Sorsogon.