LAS VEGAS (AP) — Nakumpleto ni UFC star Conor McGregor ang 25 oras na community service na ipinataw sa kanya ng Nevada officials bunsod nang masasamang pananalita at pagkasangkot sa pambabato ng bote sa pre-fight conference sa Las Vegas may isang taon na ang nakalilipas.
Sa dokumentong nakuha ng Associated Press, bahagi ng community service ni McGregor ang pakikipag-usap sa mga bata at teenager sa Dublin kung saan ipinaliliwanag niya ang masamang dulot ng physical, verbal at online bullying.
Ngunit, ayon sa anti-bullying experts, hindi epektibo si McGregor higit at nasangkot na naman ito kamakailan sa masasamang pananalita sa press conference para sa laban niya kay boxing undefeated champion Floyd Mayweather, jr.
"He has been showing up earlier to our kids and teens classes, to interact with them and instill values of loyalty, commitment and camaraderie," pahayag sa sulat ni John Kavanagh, coach ni McGregor. "... He is undoubtedly the greatest role model for the kids in our gym, and for the people of Ireland of all ages."
Dinisiplina ng Nevada State Athletic Commission sina McGregor at Nate Diaz bunsod nang kaguluhang nilikha nila sa press conference noong Agosto 17. Pinatawan si McGregor ng US$150,000 fine at 50 oras ng community service, ngunit naibaba ito kalaunan sa 25 oras at US$25,000 fine.