Ni: Rommel P. Tabbad

Sinisi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Spokesperson Aileen Lizada ang mga dating board member ng ahensiya sa kontrobersya ngayon sa dalawang transport network companies (TNCs) na Grab at Uber.

Aniya, naging “maluwag” ang mga nasabing opisyal sa mga regulasyon sa mga TNC kaya nagkakaroon ngayon ng problema.

“Ang akin lang ho, siguro they have been lenient or not that strict in enforcement kasi ngayon lang din nagkaroon, kami rin humingi ng master list ng database nila ng active drivers kasi wala kaming on-hand, walang master list ang LTFRB. Wala kaming hawak kung ilan na ba talagang na-activate nila,” sabi ni Lizada.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sinabi pa ni Lizada na pinagsusumite na nila ang Grab at Uber ng updated list ng accredited peer operators ng mga ito.