NI: Marivic Awitan

TUMAPOS na pangatlo sa General individual classification ang SEA Games Games bound cyclist na si Marcelo Felipe habang pumangalawa naman sa team classification ang kanilang koponang 7-Eleven by Roadbike Philippines sa pagtatapos kahapon ng anim na araw na 2017 Tour de Flores sa Indonesia.

Pumangalawa si Felipe sa 6th at final stage ng karera na may distansiyang 121.5 kilometro sa likod ni stage winner at overall classification champion Thomas Lebas ng Kinan Cycling Team ng Japan upang tumapos na second runner-up kasunod ng pumangalawang si Arvin Moazemi ng Pishgaman Cycling Team ng Iran.

Naiuwi din ni Felipe ang parangal bilang Best Asian Rider ng nasabing UCI 2.2 category race.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Bukod kay Felipe, nagtamo rin ng podium finish sa karera ang kanilang Spanish teammate at Dagupan-based rider na si Edgar Nieto nang magwagi ito sa penultimate stage na idinaos sa Ruteng na naging daan din upang makamit nya ang titulo bilang King of the Mountain.

Tumapos namang pangwalo sa overall individual classification ang Australian rider ng 7-Eleven na si Jesse Ewart na pumang-anim kahapon sa stage classification.