Ni: Lyka Manalo

CALATAGAN, Batangas - Patay ang isang 47-anyos na lalaking drug surrenderer matapos pagbabarilin ng kanyang kaaway sa Calatagan, Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 5:20 ng hapon nitong Lunes at nakikipag-inuman ang biktimang si Rodolfo Martinez, ng Barangay Lucsuhin, sa kanyang mga kaibigan nang dumating ang suspek.

Dalawang beses siyang binaril sa ulo ng suspek na nakilalang si Rennel Bautista, bago ito tumakas sakay sa motorsiklo.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Pinaniniwalaang may pinag-awayan ang suspek at biktima dahil narinig umanong sinabi ni Bautista ang, “’Yan, quits na tayo.”