Ni ADOR SALUTA

DUMAING ng sakit sa likod ang It’s Showtime hurado na si Jolina Magdangal kamakalawa, kaya agad siyang itinakbo sa ospital ng asawang si Mark Escueta.

jolina at mark copy

Ibinahagi ni Mark sa Instagram account ni Jolina na nagreklamo ng back pains ang asawa niya.

Kahayupan (Pets)

Hit-and-run survivor na pusa, 3 taon nang naghahanap ng 'FURever' home

“Hi, si Mark ito. Ako na muna ang nag-post sa IG ni Jolina. Kaninang 6:30 am nagising si Jolina dahil masakit daw ang lower back niya, hanggang harapan. Nandito na naman kami sa ER. May additional tests na kailangang gawin. Please pray that it’s nothing serious, at hindi rin complication nu’ng aksidente nu’ng Monday. Maraming salamat.”

Umaasa si Mark na simpleng back pains lang ang idinadaing ni Jolina at hindi epekto ng aksidente sa kanila noong nakaraang linggo habang ihahatid sila sa airport papunta ng HongKong.