Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Economic Affairs Committee, kahapon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na palakasin ang suporta mula sa itaas ng telecommunication industry para maipasa ang panukalang batas sa mandatory registration ng prepaid subscriber identity module (SIM) cards.

Si Gatchalian ang may-akda ng Senate Bill No. 203 (“SIM Card Registration Act”) na nag-oobliga sa lahat ng prospective buyers ng prepaid SIM cards ng magpresinta ng valid photo ID bago sila makabili.

Ang mga lumang SIM card naman ay dapat na iparehistro sa loob ng 180 araw ng pagkabisa ng panukalang batas.

“We’re calling on DICT Secretary Rodolfo Salalima to push for the approval of this proposal,” ani Gatchalian, binigyang-diin ang background at mga koneksiyon ni Salalim sa telecommunications (telcos) industry. - Mario Casayuran

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'