Ni ROMMEL P. TABBAD

Huhulihin na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga driver na namamasada sa ilalim ng transport network vehicle service (TNVS) na Grab at Uber at i-impound ang kanilang mga sasakyan kapag patuloy pa rin ang operasyon ng mga ito sa kabila ng kawalan ng prangkisa.

Paliwanag ng LTFRB, uumpisahan nila ang panghuhuli sa Hulyo 26 at mahaharap ang mga driver sa multang P120,000 at iho-hold din ang mga sasakyan ng mga ito sa loob ng tatlong buwan.

Sinabi ni LTFRB spokesperson Aileen Lizada, ito ay bunga ng pagpaso ng provisional license/authority ng dalawang ride-hailing company sa nasabing petsa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kamakailan, pinatawan ng LTFRB ng tig-P5 milyong multa ang Grab at Uber matapos aminin ng mga ito na wala silang prangkisa sa kanilang operasyon.