Ni Jerome Lagunzad
NASA kamay ng malakas na import ang tagumpay ng koponan sa reinforced conference. Hindi na kailangang pang itanong ito kay GlobalPort coach Franz Pumaren.
Kabisado ng beteranong mentor ang sitwasyon kung kaya’t umaasa siyang tama ang hinuya niya sa nakuhang talento sa katauhan ni dating Georgetown U star Jabril Trawick sa pagsagupa ng Batang Pier sa season-ending PBA Governors Cup simula sa Miyerkules sa Smart-Araneta Coliseum.
“He gives us a different dimension,” sambit ni Pumaren patungkol sa 6-foot-4 na si Trawick na nagpamalas ng gilas at katatagan sa kabila ng kabiguan ng GlobalPort, 84-91, sa Star Hotshots nitong Huwebes sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong City.
“He’s quick. He can play the wing spot for us and he can also guard bigger guys,” pahayag ni Pumaren sa kanilang import na nagiging kasangga ni dating TNT import Joshua ‘The Jambotron’ Smith.
Gayunman, matitiyak lang ang husay nito sa pagharap sa mga beteranong PBAS imports tulad nina Ginebra’s Justin Brownlee, Phoenix’s Eugene Phelps at reigning Best Import Allen Durham.
“We still need to see the other imports. Because we know for a fact that in an import-laden conference, if you have a good import, you have better chances of winning,” aniya.
Tangan ng dating NBA D-League veteran ang averaged na 13 puntos, 3.3 rebounds at 2.7 assists sa 37 laro sa Sioux Falls Skyforce.
“They’re both great people personally. They’re showing me a lot of love. They’ve been taking good care of me,” pahayag ni Trawick patungkol sa kanyang local teammates na si Terrence Romeo.
“I’m just trying to build and continue to get better. The more I get in shape, the better it’ll be for me.”
Makakasama rin sa Batang Pier si rookie Arnold Van Opstal at beteranong si Ryan Araña na kapwa nakuha ng GlobalPort sa trade.