ANIM na palaban na fighter ang napili para sa Philippine boxing team na isasabak sa 29th Southeast Asian Games (SEAG) sa susunod na buwan sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Pangungunahan ang Nationals nina Davao del Norte’s son at Olympian Charly Coronel Suarez, at Carlo Paalam. Makakasama nila sina Eumir Felix Marcial (75 kg.), Ian Clark Bautista (52 kg.), Mario Fernandez (56 kg.), at Marvin John Nobel Tupas (81 kg.).

Sasabak si Suarez sa 64 kg. weight class, habang pambato si Paalam sa 49 kg. class.

Ang 28-anyos na si Suarez, mula sa Sawata, San Isidro, Davao del Norte, ang pinakabeterano sa grupo, tangan ang dalawang kampeonato sa regional biennial meet. Nagwagi siya sa featherweight class noong 2009 (Laos) at light flyweight sa 2011 (Jakarta).

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Lumaban si Suarez, 10-year veteran member ng national team, kasama si Rogen Ladon sa 2016 Rio Olympics.

Nasungkit din niya ang silver medal sa Asian Games sa Incheon, South Korea, gayundin sa prestihiyosong Kazakhstan President’s Cup noong 2014.

Pinakabata naman si Paalam, 19, sa boxing team ngunit respetado ang kanyang kamao sa international tournament matapos makamit ang gintong medalya sa light flyweight class (49 kg.) sa katatapos na Kazakhstan President’s Cup.

Nakatakda ang boxing match sa Agosto 20 sa Malaysian International Trade and Exhibition Center (MITEC) sa Kuala Lumpur.