TAIPEI – Walang beterano at halos all-Pinoy. Gayunman, kumpiyansa si assistant coach Jong Uichico sa kahihinatnan ng kampanya ng Gilas Pilipinas sa 39th William Jones Cup.

Tinanghal na kampeon ang Team Philippines , kinatawan ng half-reinforced Fil-Am at import, sa nakalipas na taon.

GILAS copy copy

“This is a young team, but old warriors in heart. We trained hard and prepared for this. Let see, basta Laban tayo!,”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

pahayag ni Uichico sa huling media presentation bago ang pag-alis ng Gilas nitong Biyernes.

Mukha ng Philippine Team sa kasalukuyan ang dalawang anak nang dalawang dating RP member at premyadong PBA stars sa kanilang henerasyon.

Si Kobe Paras, anak ni 1990 rookie of the year at MVP awardee Benjie Paras, ay nabatak sa US NCAA at pambato ng PH Team sa 3x3 competition. Hindi naman estranghero sa international play si Kiefer Ravena, anak ni dating Purefoods hotshot Ferdinand Ravena.

“Itong dalawang bata na ito eh parang mga tatay din nila pag naglalaro. Matapang at talagang may puso. Fighter talagan.”sambit ni Uichico.

Kaagad na nag-ensayo ang Gilas matapos lumapag dito at panandaliang nagpahinga sa kanilang tinutuluyang Howard Plaza Hotel. Kasama ng grupo sina team manager Butch Antonio, Uichico, at assistant na sina Jimmy Alapag, at Josh Reyes.

Nagmula sa Amerika si coach Chot Reyes at nakasama ng koponan sa pagpupulong at light workout ganap na 7:00 ng gabi ng Biyernes.

“Kailangan, dahil kinabukasan sabak na,” sambit ni Uichico.

Unang susubok sa kakayahan ng Gilas nitong Sabado ng gabi ang Canada na binubuo ng mga beteranong player sa pangunguna ng seven-footer na si Dallin Bachynski at pinangangasiwaan ni reigning Coach of the Year Kyle Julius.

"This should be a good test for this new group," sambit ni Uichico sa panayam ng Spin.ph.

Mula pa nang panahon ni American coach Ron Jacobs noong dekada 80, kabilang sa paborito sa liga ang Philippine Team na ilang ulit na ring nagdomina sa torneo.

Inaasahan din ang mabigat na hamon sa Gilas ang Lithuania, Iran, South Korea at Japan.