Ni: Mary Ann Santiago

Kalaboso ang isang lalaki na inaakusahang lumustay sa P6 milyon cash at nagnakaw ng mga antigong alahas ng nagpalaki sa kanya sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Inaresto ng mga tauhan ni Police Senior Insp. Paulito Sabulao, ng Arellano Police Community Precint (PCP), si Ramon Concepcion, Jr., ng Taal Street, Singalong, Malate, Manila, dakong 1:30 ng madaling araw kahapon matapos magtago ng ilang buwan.

Wanted si Concepcion matapos kasuhan ng qualified theft ni Norma Guatno, 83, sa Manila Prosecutor’s Office.

Pagbebenta ng ₱20/kilo ng bigas para sa mga senior, PWD, solo parents, sisimulan sa Mayo 2

Ayon kay Guatno, nalimas ang P6 milyon niya sa kanyang mga bank account at nawawala rin ang mga antigo niyang alahas.

Nabatid na si Guatno ang nagpalaki kay Concepcion kaya malaki ang tiwala niya rito.

Pinagkatiwalaan umano niya ang suspek na mag-withdraw ng pera sa kanyang mga account, gamit ang mga ATM card, ngunit hindi niya sukat akalain na uubusin ng suspek ang pera at siya ay pagnanakawan ng mga alahas.