Ni: Agence France-Presse

Magiging “disastrous” para sa Asia ang business-as-usual approach sa climate change at mawawalan ng saysay ang phenomenal economic growth na nakatulong nang malaki upang malabanan ang kahirapan, saad sa ulat ng Asian Development Bank na inilabas nitong Biyernes.

Sa patuloy na pagsandal sa fossil fuels, mahaharap ang pinakamataong rehiyon sa mundo sa heat wave, pagtaas ng karagatan at pagbabago ng rainfall patterns na makagugulo sa ecosystem, sisira sa mga kabuhayan at posibleng magdudulot ng mga digmaan, ayon dito.

“Unabated climate change threatens to undo many of the development advancements of the last decades, not least by incurring high economic losses,” ulat ng Manila-based bank.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa pagtatapos ng siglong ito, mararanasan ng ilang bahagi ng kontinente ang mean temperature na aakyat ng 8 degrees Celsius higit sa pre-industrial levels, dagdag sa ulat.

“A business-as-usual scenario will lead to disastrous climate impacts for the people of Asia and the Pacific, especially for poor and vulnerable populations,” ayon dito.

Ngunit isinuhestiyon sa ulat na maiiwasan ng rehiyon ang sakuna sa paglipat sa renewable energy sources.

Sa kabuuan ay nasaksihan ng Asia ang pagtaas ng dagat hanggang 1.4 metro ngayong siglo at nahaharap sa mas maraming mapipinsalang bagyo, ayon dito.

Tinataya ng pag-aaral na 52,000 matatanda taun-taon ang mamamatay dahil sa sobrang init sa buong rehiyon pagsapit ng 2050s, halos 8,000 pa ang mamamatay sa diarrhea sa South Asia, at 10,000 dahil sa malaria at dengue sa Asia.

Malaking bahagi ng populasyon ng Asia ay naninirahan sa mababang lugar sa tabing dagat, kaya’t “particularly vulnerable” ito climate change.

Kabilang ang Myanmar, Pilipinas, Bangladesh, Vietnam, Pakistan, at Thailand sa nangungunang 10 bansa sa mundo na pinakaapektado ng extreme weather events, saad sa ulat.