Ni: Reggee Bonoan

MAY isang buwan pa bago matapos ang #OperationTaba program ni Sylvia Sanchez sa Ultra kasama ang trainor niyang si Ms. Elma Muros-Posadas. Pero hindi na nakakasamang madalas ng aktres ang anak na si Arjo Atayde na may iba nang ginagawa, ni-recruit niya ang mga kaibigan niya sa showbiz.

IBYANG AND COMPANY copy

Ang bagong post ni Ibyang sa Facebook, “Love my Ultra Sexy buddies family and how I can work out with them without any hesitation or pretension. Walang arte-arte! Kulang tayo, paging @iceseguerra @lizadino @ynez_veneracion888 @bingloyzaga @fpbobby @bonakid_407 @lucybritanico @diegoloyzaga @smokeymanaloto @arjoatayde @sammierimando @xaviiart Taraaaaaaa!!!!! #family #happiness #blessed #grateful #priceless #treasures #thankuLORD Have a blessed day!”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nakasama ni Ibyang sina Teresa Loyzaga, Angel Aquino at anak niyang si Ria Atayde.

Samantala, nagpapasalamat si Ibyang sa mga nanood ng Ipaglaban Mo na may titulong “Testigo” nu’ng nakaraang Sabado kasama si JC Santos na nag-trending at nakakuha ng 17.8% nationwide rating kumpara 16.5% ng katapat na Ika-6 Na Utos sa GMA-7 base sa Kantar Media data.

Wala pang binabanggit si Ibyang tuwing tatanungin namin tungkol sa bago niyang project, at ang lagi lang niyang sagot, “Basta meron.”

Hmmm, takot na, Bossing DMB, baka kasi ma-preempt namin, ha-ha-ha.

Anyway, marami ang natatanggap naming mensahe mula sa fans ng mag-iinang Ibyang, Ria at Arjo na sana raw ay pagsamahin sila sa project, Nababasa rin namin ang ilang posts sa social media ng supporters nila ganito rin ang mensahe sa ABS-CBN at Star Cinema.

‘Yun lang, parang wala pa kaming naririnig na feedback mula sa Kapamilya Network.