NI: Marivic Awitan

NANGUNGUNA sa mga magbabalik na imports para sa darating na 2017 PBA Governors Cup ang Ginebra’ reinforcement na si Justin Brownlee.

Isa si Brownlee sa limang balik-imports na sasabak sa season-ending conference na magsisimula sa Hulyo 19 sa Araneta Coliseum.

Inaasahang muling pamumunuan ni Brownlee, napatanyag sa kanyang buzzer beating triple sa Game 6 ng finals series noong nakaraang season para tapusin ang walong taong title drought ng Kings.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Bukod kay Brownlee, nagbabalik din si Allen Durham ng last season losing finalist Meralco na magsisikap na pangunahan ang Bolts sa hangad nilang pagbawi.

Para naman sa naghahangad ng Grand Slam title na San Miguel Beer, sasandigan nila ang isa pang balik -import na si Wendell McKines na dating naglaro para sa Alaska at Rain or Shine.

Nariyan din si Eugene Phelps na magbabalik para sa Phoenix matapos ang kanyang one-game stint noong nakaraang Commissioner’s Cup at si Buck Henton naman para sa Alaska.

Para naman sa ibang koponan, ipaparada nila ang bagong batch ng mga imports na kinabibilangan nina Cinmeon Bowers para sa Star, Aaron Fuller ng NLEX at Michael Craig para sa Talk N Text.

Samantala, kabilang din sa bagong batch sina Jabril Trawick ng Globalport, JD Weatherspoon ng Rain or Shine, Chane Behanan ng Kia Picanto at Trevis Simpson ng Blackwater.