Ni: Light A. Nolasco

CARRANGLAN, Nueva Ecija - Himalang nakaligtas sa kalawit ni Kamatayan ang isang driver at kanyang helper makaraang bumulusok sa bangin ang sinasakyan nilang gas tanker sa Cagayan Valley-Nueva Ecija Highway sa Barangay Capintalan, Carranglan, Nueva Ecija, malapit sa kinahulugan ng isang mini-bus noong Abril na ikinasawi ng 34 na katao.

Kinilala ni Senior Supt. Antonio C. Yarra, Nueva Ecija Police Provincial Office director, ang mga nasugatan na sina Dennis Talamayan, driver, 52, may asawa, ng Bgy. Alibago, Ilagan, Isabela; Raymund Ader, 35, helper, ng Bgy. Guibug, Gamo, Isabela.

Ayon sa report, lulan ang dalawa sa gas tanker na minamaneho ni Talamayan nang aksidenteng mahulog ito sa bangin sa Sitio Dalton, Bgy. Capintalan, dakong 4:30 ng umaga nitong Sabado.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nawalan umano ng preno ang tanker.