Ni: Mars W. Mosqueda, Jr.

CEBU CITY – Isang 24-anyos na babaeng call center agent ang natagpuang patay, at pinaniniwalaang pinaghahampas ng bato sa ulo, sa damuhan sa kabundukan ng Barangay Pulangbato sa Cebu City, nitong Lunes ng umaga.

Lunes ng gabi na nang kinilala ng kanyang ama si Aireen Adolfo, call center agent at freelance model, na taga-Sitio Dita, Bgy. Pulangbato.

Isang bata ang nakadiskubre sa bangkay ni Adolfo bandang 6:30 ng umaga.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon kay Senior Insp. Ariza Otida, hepe ng Talamban Police, wasak at tadtad ng pasa kaya hindi na makilala ang mukha ni Adolfo—na kinilala ng kanyang pamilya sa suot niyang damit at peklat sa dating operasyon.

Natagpuan din ng mga pulis malapit sa bangkay ang ilang bote ng alak at isang malaking bato na may mga bakas ng dugo, na pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay sa biktima.