RIYADH (AFP) – Anim katao na nahatulan sa salang drug trafficking at homicide ang binitay sa Saudi Arabia nitong Lunes, ang pinakamaraming bilang ng mga binitay sa loob ng isang araw ngayong taon.

Sinabi ng interior ministry na isang Pakistani citizen ang binitay sa drug trafficking at limang Saudi national para sa homicide.

Umabot na sa 44 ang binitay ng gobyerno ngayong taon.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'