Ni: Fer Taboy

Nagbaril sa sarili ang isang security guard makaraan siyang iwan ng kanyang live-in partner sa Roxas, Isabela kahapon.

Kinilala ng Roxas Municipal Police ang biktimang si Michael Caday, 35, security guard ng Isabela State University Roxas Campus, at taga-Barangay Matusalem.

Batay sa impormasyon ng Roxas Police, nabatid na nag-away ang biktima at kanyang kinakasama na umalis papunta sa Maynila.

Probinsya

Dalagitang nangisay sa kaka-cellphone, patay matapos mahulog sa ilog

Dahil dito, nagbaril sa sariling ulo si Caday gamit ang issued sa kanya na 12-gauge shotgun.