Ni: Jun Fabon

Hindi nangimi ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pag-aresto sa isang barangay chairman na nakumpiskahan ng P1.5 milyong halaga ng shabu sa anti-illegal drug operation sa Cebu City.

Kinilala ni PDEA Director General Isidro S. Lapeña ang suspek na si Epifania Alvizo y Divinagracia, na nakuhanan ng 550 gramo ng shabu.

Kasalukuyang nakakulong si Alvizo sa PDEA headquarters sa Cebu City matapos sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon