HAMBURG, Germany (AP) — Nagkasundo ang United States at ang Russia sa Syria cease-fire, sa unang pagkikita nina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin. Ito ang unang U.S.-Russian effort sa ilalim ng pamamahala ni Trump upang matukoy ang pinagmulan ng anim na taong civil war sa Syria.

Magkakabisa ang cease-fire sa Linggo ng hapon, oras sa Damascus, ayon sa U.S. officials at sa Jordanian government, na kasama rin sa kasunduan.

Ayon kay Secretary of State Rex Tillerson, na sumama kay Trump sa pakikipagpulong kay Putin, binuo ang kasunduan upang mabawasan ang karahasan sa isang lugar sa Syria malapit sa hangganan ng Jordan, na mapanganib sa seguridad ng kaibigan ng U.S.

ito ay isang “very complicated part of the Syrian battlefield,” pahayag ni Tillerson sa mga mamamahayag matapos ang pagkikita ng U.S. at Russian leader na tumagal ng mahigit dalawang oras.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina