Ni Edwin Rollon

KINATIGAN ng United Nations Educational Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang Children’s Games for Peace – sentro ng grassroots sports program -- ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Sports Institute.

Ayon sa UNESCO, sa pamamagitan ni consultant Caroline Baxter Tresise, ang naturang programa na inilunsad sa Davao City sa kabila nang nagaganap na rebelyon sa karatig na lungsod na Marawi sa Lanao del Sur ay mabisang paraan para matulungan ang mga kabataang naapektuhan ng kaguluhan sa Mindanao.

psc copy

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Masayang-masaya kami at mismong ang respetadong UNESCO ang nakapansin sa ginagawa nating programa sa sports. Kami mismong mga taga-Mindanao ay naghahanap talaga ng mga paraan para matugunan natin ang mga pangangailangan ng mga kababayan nating naapektuhan ng gusot sa Marawi City,” pahayag ni Ramirez, matapos ang pakikipagpulong kay Trisese nitong Huwebes.

“UNESCO is helping us in our effort in uplifting the spirits and morale of our children, particularly those affected by conflict. The partnership will make the Sports for Peace program an effective and powerful tool not just for values formation but also as a strong vehicle for development and peace,” sambit ni Ramirez.

May kabuuang 1,000 kabataang Muslim, Christian at Lumad mula sa 20 barangay sa Davao City ang nakiisa sa Children’s Games na ginanap nitong Mayo 25. Nakatakdang magsagawa ng hiwalay na programa sa Iligan City–ang sentro ng evacuation center ng pamahalaan para sa mga mamamayang nagsilikas mula sa Marawi City.

Hiniling ng UNESCO kay Ramirez na pagtibayin ang programa upang magsilbing ‘module’ na magagamit din ng ibang bansa.

Ayon kay Ramirez nakatakda niya rin itong iprisinta sa 6th International Conference of Ministers and Senior Officials Responsible for Physical Education and Sport sa Kazan, Russia sa Hulyo 15.

“The children is our focus, they are the real gold and not ones in the SEA (Southeast Asian) Games nor the Olympics because they are the future leaders and peacemakers of the country. When children play, humanity celebrates,” pahayag ni Ramirez sa isinagawang PSI coordinators meeting nitong Miyerkules sa Philsports Audio-Visual Room sa Pasig City.

Iginiit ni Ramirez na ang pagkakaroon ng matibay na grassroots sports program ang tunay na magiging daan sa katuparan nang matagal nang minimithing Olympic gold ng sambayanan.

“For the first time, ngayong lang tayo magkakaroon ng tunay at matatag na grassroots sports program,” aniya.

Ang Children’s Games ay panimulang programa para buhayin ang Mindanao Games na inilunsad ng PSC noong 2008 sa Midsayap, North Cotabato, ngunit naprenda nang magpalit ng liderato sa administrasyon.

Sa Mindanao Children’s Games, nakibahagi rito ang mga kabataan, kabilang ang mga anak ng mga miyembro ng Moro International Liberation Front (MILF).