VATICAN (AP) – Inamin ng Vatican secretary of state nitong Martes na mayroong mga problema sa “pope’s hospital” para sa mga bata sa nakalipas, ngunit sinisikap ng bagong administrasyon na maresolba ang mga ito.

Sinabi ni Cardinal Pietro Parolin na ilan sa mga natukoy na problema ng kasalukuyan at dating Bambino Gesu Pediatric Hospital staff noong 2014 ay “truly unfounded.” Ngunit sa ilang napatunayan, “there was an attempt, and there is currently an attempt and serious effort to resolve them,” aniya.

Ito ang sagot ni Parolin sa imbestigasyon ng Associated Press na natuklasan na sa ilalim ng nakalipas na administrasyon mula 2008-2015, mas naging prayoridad ng children’s hospital ang kumita kaysa alagaan ang mga pasyente.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina