Ni: Betheena Kae Unite

Mahigit 1,000 gramo ng marijuana ang nadiskubre sa loob ng package ng mga regalo sa Central Mail Exchange Center (CMEC) warehouse sa Pasay City, ayon sa Bureau of Customs (BoC).

Habang iniinspeksiyon, sumambulat sa Customs - Enforcement Group (EG) operatives ang package ng pinatuyong dahon ng cannabis na isinilid sa transparent bag.

Ayon sa awtoridad, aabot sa P335,490 ang nasamsam na droga.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Base sa imbestigasyon, ang package ay ipinadala mula sa California, USA at nakatakdang ipadala sa isang Tyrone ng Bacoor, Cavite.

Kinilala naman ang nagpadala na si Minerva Thomas.

Agad inaresto ang pinadalhan ng package habang itinurn over ang droga sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Nakatakdang sampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act of 2016 (CMTA), at RA 9165 o The Comprehensive Dangerous Act of 2002.