Ni: Bert de Guzman

MAPAIT ang katotohanan. Ito ang sitwasyong dapat lunukin ngayon ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, anak ng dating makapangyarihang tao sa Pilipinas noon— si ex-Pres. Ferdinand E. Marcos. Siya ay nanganganib ipakulong ng Kamara sa pamamagitan ng House committee on good government and public accountability dahil sa resolusyon ng dating kaalyado ng mga Marcos at political protégé na si Majority Leader Rodolfo Fariñas, tungkol sa umano’y anomalya sa P66.5 milyong share ng probinsiya mula sa tobacco excise tax.

Napupuna ng taumbayan na ang Kamara ngayon ay umaastang isang BULLY. Parang katulad ng China sa pambu-bully sa sisiw na Pilipinas kaugnay ng gusot sa West Philippine Sea-South China Sea (WS-SCS). Maging ang tatlong justice ng Court of Appeals (CA) ay tinatakot ng liderato ng Kamara na ipakukulong dahil sa umano’y utos nito sa Kamara na palayain ang anim na opisyal ng Ilocos Norte na pina-cite in contempt ni Fariñas dahil umiiwas daw sumagot sa mga tanong sa paggamit ng P66.5 milyon na ipinambili ng mga sasakyan.

Para patunayang totohanin ng Kamara na ipakukulong si Imee kapag hindi dumalo sa pagdinig ng komite ni Rep. Johnny Pimentel, ipinakita sa media at sa publiko ang pagkukulungan sa gobernadora. Ipinakita rin ang detention cell ng tatlong CA justices. Nagiging mala-diktador na rin ba ang Kamara na sa palagay ng maraming Pinoy ay isang “rubber stamp” ng Malacañang?

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Naalala ko tuloy ang pamosong pahayag ni ex-Pres. Joseph Estrada (aka Erap) na “Weder-Weder” lang ang kapalaran ng tao. Takot na takot noon ang mga Pilipino sa mga Marcos matapos magdeklara ng martial law si Apo Macoy, ipinabilanggo ang mga kalaban sa pulitika, ikinandado ang Kongreso, binusalan ang media (ipinasara ang media offices), ginawang tuta ang Supreme Court.

Bumagsak ang diktaduryang Marcos noong 1986, naupo sa Malacañang ang “mere housewife” na si Cory Aquino, biyuda ni ex-Sen. Ninoy Aquino na pinaslang sa tarmac ng Manila International Airport. Nag-weder-weder ang kapalaran ng mga Marcos at Aquino. Hanggang ngayon, bagsak pa rin ang mga Marcos, hindi makalimutan ng mga tao ang martial law at ang mga kabuhungan na dulot nito sa kanilang buhay.

Bagamat naging gobernadora si Imee, senador si Bongbong at kongresista si Imelda, wala na sa kanila ang kinang at bagsik ng kapangyarihan noon. Ang naka-weder-weder ngayon ay ang dating alkalde ng Davao City, si President Rodrigo Roa Duterte, na nasungkit ang botong 16.6 milyon dahil bumilib sa kanya ang mga Pinoy na pupuksain ang illegal drugs sa loob ng 3-6 buwan, puputulin ang sungay ng kurapsiyon sa gobyerno, wawakasan ang ENDO, lulutasin ang bigat ng trapiko at aayusin ang MRT-3, wala nang pila sa transaksiyon sa mga tanggapan ng pamahalaan, at magiging malinis ang kanyang pamamahala.

Matapat na alyado sa pulitika ni PRRD si Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez. Matalik na colleague naman... ni Speaker Bebot si Fariñas na ngayon ay kaylakas ng loob na magbantang ipakukulong ang anak ng kanyang dating political benefactor. Noon, si Imee ay hindi makanti-kanti at hindi mabatikos. Kaibigan din ni Fariñas si Bongbong, kasama pa sa mga party.

Sa ngayon, mukhang na-weder-weder din si boxing icon Manny Pacquiao. Noong kabataan at kalakasan niya, para siyang tornado na pinatutumba ang mga sikat at kampeong boksingero sa mundo. Noong nakaraang Linggo (Huyo 2), siya ay tinalo ng Australian boxer na si Jeff Horn. Talagang pana-panahon lang ang kapalaran ng buhay ng tao. Sabi ng ng Inglesero kong kaibigan: “Pacquiao was de-horned by Jeff Horn.”