Ni: Marivic Awitan

TARGET ng 159-man Philippine delegation na masungkit ang ikatlong puweso sa overall standings sa pagsabak sa 2017 ASEAN School Games sa Hulyo 13-21 sa Singapore.

Binubuo ang Nationals nang mga atletang nagwagi ng medalya sa Palarong Pambansa nitong summer sa Antique. Pumuwesto ang Pinoy sa ikaanim sa nakalipas na edition ng biennial meet noong 2015. Noong 2013, nasa ikaapat ang bansa.

Ayon kay Department of Education (DepEd) assistant secretary Tonisito Umali, mas malaki ang tsansa ng National Team kumpara sa nakalipas na delegasyon dahil nakapagsimula na rin ang bansa sa K-12 program.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Dahil basic education at hindi pa tayo K-12, medyo bata pa ang ating mga manlalaro na nanalo. Pero ngayon, may Grade 11 to 12, doon pa lang, nakakapantay na tayo sa edad ng maglalaro,” pahayag ni Umali.

Kabilang sa malaki ang papel na gagampanan sa koponan sina swimmers Sancho Ilustre at Jerald Jacinto,gayundin sina track athletes Francis Obiena at Jie Anne Calis.

Sasabak din ang Pinoy sa sports na badminton, sepak takraw, basketball, gymnastics, table tennis, tennis at volleyball.

“Ngayong taon, we hope to land second or third. When we do that, it will be a big achievement in itself,” pahayag ni Umali.

“The reason we are participating which is incidental ang dahilan ay ‘yung disiplina na nais natin makintal sa isipan ng mga manlalaro ay ang konsepto na tayo sa Asean ay dapat magsama sama at sa pagkakataong ito, sama sama tayong maglaro sa lingwahe ng palakasan na tayo ang magkakaunawaan,” aniya.