NI: Marivic Awitan

PINULONG kahapon ni University of Perpetual Help NCAA Management Committee representative Col.Jeff Tamayo ang lahat ng mga hepe ng security forces ng lahat ng mga NCAA member schools para sa kanilang pinakahuling preparasyon sa nakatakdang pagdaraos ng NCAA on Tour.

Ang NCAA on Tour ay ang pagdaraos ng ‘home-and-away na laro sa mga school gyms ng mga miyembrong paaralan ng liga na naghahangad na palakasin ang fan base ng mga NCAA teams sa pamamagitan ng paglalapit ng mga laro sa kanila at lalo pang pag-ibayuhin ang tinatawag na school spirit.

Si Tamayo ang itinalaga ng NCAA ManCom para mamahala sa security ng gagawing NCAA on Tour tuwing Huwebes sa mga napiling mga school venues.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ayon kay Tamayo, magkakaroon ng tamang koordinasyon ang mga security personnels ng host school.

Bukod dito, sinabi naman ni ManCom chairman Fr. Glynn Ortega ng season host San Sebastian College na magkakaroon ng mga side events at ilang mga pakulo upang maging masaya ang araw ng mga laro.