SINGAPORE (Reuters) – Maaaring itataas ng Saudi Arabia, world No.1 oil exporter, ang presyo ng krudo na ibinebenta nito sa Asia sa Agosto sa pinakamataas sa loob ng mahigit tatlong taon, sinabi ng trade sources.

Mangyayari ang hakbang matapos kumita nang malaki ang refiner sa fuel oil mula sa heavy crude, at magbabawas ang state oil giant na Saudi Aramco sa produksiyon ng heavy crude bilang bahagi ng kampanya ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na kontrolin ang pandaigdigang produksiyon.

Sa pagmahal ng presyo ng heavy crude ng Saudi, inaasahang lalakas ang demand ng langis mula sa iba pang Middle Eastern producer, at supply mula sa Russia, Angola at America.

“Maybe they (Saudi Aramco) will cut Arab Heavy supplies for August because of the OPEC cut and summer demand for power generation,” sabi ng isang trader sa isang North Asian refiner.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Babawasan ng paghihigpit sa supply ng heavy crude ang fuel oil output at makatutulong para lumaki ang kita sa paggawa ng produktong ito sa Asia sa pinakamataas na 59 sentimos laban sa krudo ng Dubai noong Hunyo 22.