Ni: Nonoy E. Lacson

ZAMBOANGA CITY – Inaresto ng mga operatiba ng Joint Task Force Basilan ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Barangay Bohe Yawas sa Lamitan City, Basilan, nitong Linggo.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) Spokesman Army Capt. Jo-Ann Petinglay, naaresto ng mga sundalo ng 19th Special Forces Company ng 4th Special Forces Battalion ang isang Ismael Gampal, miyembro ng ASG sa Basilan.

Nakumpiska umano mula kay Gampal ang isang M-16 rifle at iba pang war materials, kabilang ang isang battle dress uniform at isang military back pack.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa kasalukuyan, nasa 262 Abu Sayyaf na ang na-neutralize ng Joint Task Forces sa Western Mindanao. Sa nasabingb bilang, 97 ang napatay, 67 ang naaresto, at 98 naman ang sumuko.