ni Nitz Miralles

PUMASYAL sa ABS-CBN si Aljur Abrenica last week at alam na ng kanyang fans ang kasunod nito, lilipat na siya sa Kapamilya Network. Inunahan na nga ang network ng fans, ang sunod daw na pasyal ni Aljur, pipirma na siya ng kontrata.

  

Kylie Padilla
Kylie Padilla
Excited na rin ang fans nina Aljur at Kylie Padilla sa naiisip nilang kung lilipat si Aljur sa ABS-CBN, isasama raw nito si Kylie. Hindi pa man nangyayari, wini-welcome na sila ng Kapamilya fans. 

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

  

Nag-expire na ang kontrata ni Aljur sa GMA-7 at libre siyang lumipat ng network. Maaalalang matagal nang balitang gustong lumipat sa ABS-CBN si Aljur na nagsimula noong magkaproblema siya sa Kapuso Network. Noon pa niya gustong kumalas kahit hindi pa tapos ang kontrata.

  

Hintayin nating makapanganak si Kylie, magpalakas at kung ready nang magtrabaho, tingnan natin kung tama ang mga nag-comment na sasama ito kay Aljur sa ABS-CBN. Pero dapat, tapos na ang kontrata niya sa GMA-7 para walang problema.

 

Kapag nasa ABS-CBN na si Aljur, makakasama na niya ang kapatid na si Vin Abrenica na mula sa TV5 ay nauna nang lumipat sa ABS-CBN.