ni Samuel P. Medenilla

Hanggang ngayong buwan na lamang ang ibinigay na palugit ng Saudi Arabia sa natitirang libu-libong ilegal na overseas Filipino workers (OFW) para makauwi sa Pilipinas, matapos palawigin ang amnesty program para sa undocumented migrants.

Sa isang panayam sa telepono, sinabi ni Labor Undersecretary Dominador Say na nagdesisyon ang pamahalaan ng Saudi na dagdagan ng 30 araw ang “Nation Without Violations” amnesty program.

“Confirmed by Riyadh Assistant Labor Attaché Doming Salanga: KSA amnesty has been extended by 30 days,” pahayag ni Say.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagsimula ang 90-day Nation Without Violation program noong Marso 29, 2017 at inaasahang matapos nitong Huwebes.

Sa online report mula sa Arabnews.com, nagdesisyon ang pamahalaan ng Saudi na ipatupad ang amnesty extension simula sa Hunyo 25 para sa lahat ng nationality.

Hinikayat ni Say ang mga natitirang OFW na samantalahin ang pinalawig na amnesty program.