Ni: Bella Gamotea

Aabot sa P1 milyon halaga ng hinihinalang cocaine at shabu ang nakumpiska ng mga pulis sa magkaibigan na umano’y big time drug pusher sa buy-bust operation sa Muntinlupa City, kahapon ng madaling araw.

DRUGS copy copy

Kinilala ni Muntinlupa City Police officer-in-charge Sr. Supt. Dante Novicio ang mga suspek na sina Gecena Nunez, alyas Madam Bebe, 30, at Andrew Nolasco, 32, kapwa taga-Filinvest sa nasabing lungsod.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Base sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) ang buy-bust operation laban sa mga suspek, dakong 3:00 ng madaling araw.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa ilegal na gawain nina Nunez at Nolasco dahilan upang isailalim sila sa surveillance hanggang sa kumagat ang mga ito sa transaksiyon.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer ng cocaine, sa halagang P3,000, sa magkaibigang suspek.

Hindi na nakapalag sina Nunez at Nolasco nang sila ay posasan ng mga pulis nang mahuli sa aktong inaabot ang nasabing droga sa buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang 23 pakete ng hinihinalang cocaine, limang pakete ng hinihinalang shabu, P5,000 cash at P3,000 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).