Ni: Lyka Manalo

SAN JOSE, Batangas - Napatay ng mga awtoridad ang isang umano'y leader ng sindikato ng droga at suspek sa pagpatay sa isang pulis matapos umanong manlaban sa mga awtoridad nang tangkain siyang arestuhin sa San Jose, Batangas.

Namatay habang ginagamot sa San Jose District Hospital si Rodolfo Macalindong, alyas Rojun.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 1:45 ng hapon nitong Huwebes at magpapatupad sana ng arrest warrant ang mga pulis laban kay Macalindong subalit nanlaban umano ito at nabaril ng mga awtoridad.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sakay umano sa Mitsubishi Lancer (WAZ-968) si Macalindong nang makorner ng mga pulis sa Makalintal Avenue sa Barangay Taysan.

Nahaharap sa mga kaso ng droga at illegal possession of firearms sa korte sa Balayan, si Macalindong ang umano’y leaderng Macalindong Drug Group.

Most wanted drug personality sa Balayan, isa rin si Macalindong sa mga suspek sa pagpatay kay SPO1 Bryan De Jesus noong Mayo ngayong taon.