Ni NITZ MIRALLES

NAGALIT na talaga si Claudine Barretto dahil pati ang anak na si Quia ay bina-bash. Tinawag itong “ampon, looks like batang lansangan” at “panget” ng basher. Kaya hindi nakinig si Claudine sa payo ng followers niya sa Instagram (IG) na dedmahin ang basher at i-delete na lang ang post nito.

CLAUDINE copy

Sa halip, nagpatulong si Claudine sa followers niya na makilala ang identity ng basher na deactivated na ang IG account.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“STOP BULLYING KIDS OR ANYONE FOR THAT MATTER. I will look for u & report u sa NBI, Police etc. So if anyone knows this BULLY PLS LET ME KNOW PARA D NA MAULIT ANG PANG BABASH AT PAMBU BULLY NITONG TAONG TO.”

‘Kaloka kasi ang basher, nanlait na agad gayong nakita lang namang kumakain ng lugaw si Quia na that time ay nasa ospital at may sakit. Nasagot tuloy siya ni Claudine ng, “saw your pic & i think u don’t look good a bit worst??? I believe you’re sick to bash a 2 year-old. Out of the goodness of my heart i hope u take my offer to refer you to BELO to have your face fixed. Don’t worry, my treat.”

May follower si Claudine na nagturo sa kanya kung saan nagtatrabaho ang basher, kaya nalaman ni Claudine ang real name nito at kung saan nagtatrabaho bilang call center agent.

Ang sunod na post ni Claudine, picture na ng basher ang naka-post at sinabing, “Hello! Reported you to NBI CYBERCRIME. Have an awesome day! I have to do this para hindi maulit sa kanino mang anak ang ginawa nya kay Quia.

Pasensyahan na lang tayo, Jebel Peggy Enriquez.”