Nina LEONEL M. ABASOLA at LESLIE ANN G. AQUINO

Higit na kailangan ngayon ng pamahalaan ang mga bata at masisipag na lider upang makatulong sa pagbabago kaya’t hindi dapat ipagpaliban ang Sangguniang Kabataan (SK) elections ngayong Oktubre.

Sinabi ni Senador Benigno “Bam” Aquino IV na maraming kabataan ang lumalabas sa lansangan at ang iba ay gumagamit ng social media upang iparating ang kanilang mga hinaing at opinyon sa mahahalagang isyu ng bayan.

“The SK is an opportunity to go beyond the streets, beyond social media and really work on programs to change their communities for the better. Many people underestimate the capability of the youth to lead but in my experience, big changes can come from the youth sector. Marami tayong youth leaders na nakakatulong sa kanilang komunidad at kailangan sila ng ating bayan,” diin ni Aquino.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ito na ang ikawalong beses na ipinagpaliban ang halalan ng SK at kailangan nang ipatupad ang Republic Act No. 10742 o ang Sangguniang Kabataan (SK) Reform Act para makahubog ng bagong uri ng lingkod-bayan.

Hindi rin hinihikayat ng Commission on Elections (Comelec) na ipagpaliban ang nakatakdang halalan sa barangay at SK sa Oktubre 23.

“The Comelec has consistently adopted a neutral stance in the debate on whether the BSKE should be postponed,” pahayag ni Spokesman James Jimenez.

Ayon kay Jimenez, ang hinihiling lamang nila sa Kongreso ay maagang desisyunan ang usapin. “The Comelec is seeking the earliest possible resolution to the question of whether the elections will be allowed, by Congress, to proceed as scheduled or not,” aniya.

Isang panukalang batas ang nakabitin sa Senado na humihiling na ipagpaliban ang halalan sa barangay at SK sa Oktubre 2018, habang sa Kamara nakabitin ang panukalang ilipat ang halalan sa Mayo 2020.

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagpapaliban sa 2016 Barangay at SK Elections noong Oktubre 15, 2016. Inilipat ng batas ang halalan sa Oktubre 23, 2017.