Ni: Marivic Awitan

OPISYAL nang itinalaga ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes si Talk N Text standby import Mike Myers bilang reinforcement ng Gilas Pilipinas na isasabak sa 2017 William Jones Cup sa Taipei, Taiwan sa Hulyo.

“We’re pretty set with Mike and he’s already agreed,” ani Reyes patungkol sa 6-foot-9 import.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nauwi ang ginawang pamimili ni Reyes kay Myers, dahil hindi na uubra ang kasalukuyang TNT import na si Joshua Smith dahil sa injury, habang may nauna nang commitment ang iba pang nauna nilang choices na sina Greg Smith, Ricardo Ratliffe, at Donte Greene.

“We had wanted Josh Smith but his injury prevents that from happening. Same thing with the others, but I think they’re opting to play in the NBA Summer League. Guys like Ratliffe, on the other hand, want to rest,” ayon pa kay Reyes.

Sinabi ni Reyes na nagustuhan nila ang istilo ng laro ni Myers.

Target ng Pilipinas ang ikaanim na titulo sa Jones Cup na nakatakdang ganapin sa Hulyo29 hanggang Agosto 2.