NAKATAKDANG magpulong ang organizer ng 15th Fr. Martin Cup Division 2 basketball tournament sa Biyernes para sa nakatakdang pagbubukas ng liga sa Hulyo 15.

Ayon kay Commissioner Robert de la Rosa, inaaanyayahan nila ang mga coach at interesadong indibidwal na dumalo sa pulong ganap na 11:00 ng umaga sa Savory Restaurant sa Bustillos St., Sampaloc, Manila.

Ang torneo ay para sa mga eskwelahan na may mga player na miyembro ng developmental team. Isinasagawa ang liga bawat taon sa unang bahagi ng pasukan.

Tanging mga players sa Team B ang pinapayagang makalaro sa torneo.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA