BRISBANE, Australia (AP) – Pinananabikan ni Manny Pacquiao na mapanood ang magaganap na boxing superfight matapos ang nakatakda niyang pagdepensa ng WBO welterweight title kontra Jeff Horn sa Linggo sa Suncorp Stadium.

Ngunit, hindi ang kontroberyal na duwelo nina undefeated Floyd Mayweather Jr. at UFC star Conor McGregor ang kanyang tinutukoy.

“The real fight and the best fight is [Gennady] Golovkin vs. Canelo [Alvarez]. The best vs. the best. That’s the fight I will be watching,” pahayag ni Pacquiao sa panayam ng Yahoo Sports.

Itataya ni Golovkin ang malinis na marka at reputasyon laban sa Mexican superstar na si Alvarez sa September 16, isang buwan makalipas ang nakatakdang laban nina Mayweather at McGregor sa Las Vegas sa August 26.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tinawag ng eight-division boxing champion ang laban nina Mayweather at McGregor na ‘boring’ at iginiit na walang laban ang UFC star sa tinaguriang ‘The Money’.

“McGregor has no chance in this fight. In fact, it could be very boring,” pahayag ni Pacquiao.

Walang duda, ayon kay Pacman, na madodomina ng 40-anyos na si Mayweather ang walang karanasan sa boxing na si McGregor, 28.

“There is no way he will be able to land a meaningful punch on Floyd. How could he? He has no professional experience in boxing,” sambit ni Pacquiao.

Naitala ang all-time pay-per-view record na 4.6 milyon nang maganap ang Mayweather-Pacquiao bout may dalawang taon na ang nakalilipas. Target ng promoter ng Mayweather-McGregor fight na malagpasan ito.

“The fight is in boxing, not an MMA fight. That’s advantage with Floyd. I don’t think McGregor is comfortable in boxing, pure boxing. Im hoping it’s not gonna be a boring fight, with both fighters moving around. We’ll see,” sambit ni Pacquiao.